I'm building an antenna.
Transmissions will be sent when I am through.
Maybe we could meet again further down the river
And share what we both discovered
Then revel in the view.
mas masarap pumunta ng Sabado... sigh. kung sakaling may Lunes kami na holiday, punta tayo.
22 Jan 2008 2:12am
@Chinky: Ay, may malapit na monday holiday, i think. we should go, wahu! ^_______^
yol from Nauru
Ang larawang ito ni Sta.Maria ay salamin sa postmodernong kalagayan ng Filipinas. Ang dragon, isang makapangyarihang imahen sa ikonograpiyang Intsik, ay isa lamang "bagay" sa larawan: tanso, inaalikabok, inaarawan, gaya ng iba pang mga bagay sa isang kalyeng ipinangalan sa isang Carvajal (na maaaring isang pulitiko, historical figure, o artista noon pero hindi na naaalala ng mga dumadaan ngayon). Sa isang banda, maaring sabihing ang Carvajal bilang isang signifier ay pinangingibabawan ng dragon, pero may kapangyarihan ba sa pangingibabaw na ito? Sa pagtingala ng kamera ni Sta.Maria, magkahati lamang sila sa isang kuwadro, at bagamat nasa ibabaw ang signifier ng pagka-Intsik, may mas mataas na tinitingala si Sta. Maria, ang bubong ng isang building sa klaye ng Carvajal, at mas mataas pa, ang langit na nagdadala ng liwanag sa buong eksena. At ano ba ang makukuha sa isang larawan kung hindi sapat ang liwanag? Paano mo ba maibabahagi ang isang alaala kung wala kang patunay nito? Kasabay nito, tinatanong din tayo ni Sta Maria sa larawang ito: Sino ang tumitingin, at sino ang tinitingnan? Sa titig ng liwanag/panopticon, ang pagpiling tumingin ay pagpili nga ba talaga? Anong nakain ko at sinasabi ko ito? Bakit may Pinoy na kumanta ng We're Brothers Forever sa isang episode ng American idol? Magkano ang siopao sa Chowking? Kaano-ano ni Dolly Ann Carvajal ang kalyeng ito? Si Sta.Maria lamang ang makasasagot.
22 Jan 2008 5:39am
@yol: FLASH REPORT: na-break na ang record para sa pinakamahabang comment sa aminus3! sa kabilang dako ng mundo, gumawa naman ang isang babae ng pinakamahabang depensa laban kay Big Bayaw. Sino ang mas mahaba? si Jamendang lamang ang makakasagot sa akosiyol.blogspot.com